by: Ryan B. Biron
Naging bahagi ng mga mananakop na kanluranin ang ilang bansa sa Asya, kabilang na ang Piliupinas. Tunay na mayaman sa kalikasang mapagkukunan ng mga hilaw na materyales, lubhang nakaakit sa mga dayuhan ang malaparaisong kagandahan ng ating kapuluan. Sunod-sunod na mananakop ang nang alipin sa mga Pilipino. Bunga nito'y naibabakas pa rin natin sa ating mg kababayan ang dulot ng kulturang kinagisnan.
Hanggang sa kasalukuyan, kahit malaya na tayo mula sa kamay ng mga mananakop na kastila, hapon at amerikano, damang-dama pa rin natin ang impluwensya ng mga imperyalista sa ating pulitika, ekonomiya, relihiyon, kultura at moralidad. Hindi natin maitatangging patuloy pa rin nating tinatangkilik ang mga produktong dayuhan at ginagawa rin nating mataas na pamantayan sa paggawa, pagkilos,pagporma, pag-iisip ang mga tatak-dayuhang industriya, arkitektura, sining at literatura.
Dumanas man tayo ng mga pambabastos mula sa kamay ng mga dayuhang mananakop, hindi pa rin tayo nadala. Hindi pa nabubura ang nakalipas na panahon ng tatak-aliping nakaukit sa ating sistema ng pagkatao't pamumuhay. Ang diwang alipin ay nananatili pa rin sa atin. Kung patuloy nating tatangkilikin ang mga bagay natatak-dayuhan at itatakwil ang sariling atin, patuloy din bubulasok pababa ang ekonomiya ng ating bansa, at magmamarka sa ating isipan na "Malaya na nga ba ang Pilipinas?"
Ang lubusan na kailangan ay ang pagpapahalaga, pagmamahal at pagmamalaki sa sariling tatak 'di lamang sa katauhan kundi maging sa pagkakakilanlang pangkabuhayan ay dapat maitaas. Kung patuloy na gagamitin sa wasto at mapanuri ang ating pag-iisip, magiging kasiya-siya ang mga Pilipino at lalong aasenso ang ating bansa. May posibilidad din na tatalingkilikin ng ibang bansa ang produktong atin at pagpapahalagang gawain at pag-uugali.
No comments:
Post a Comment