by: Ryan B. Biron (Computer Programming 1E)
Nagsimula ang lahat sa silid-aralan
Nagkausap, nagkaintindihan at pinakilala sa samahan
Nagustuhan, tinulungan at pag-asa'y muling nakamtan
Ngiti sa mukha ay lubusang nasilayan.
Kaibigan laging kasama sa araw-araw,
Sa problema siya'y aking karamay
Sa aking kagipitan, laging nakasubaybay
Kasiyahan sa kanya ang aking tagumpay.
Gaano man kabigat ang mga gawain
Hirap ng katawan, nakangiti pa rin
Madaling matatapos kung kaibiga'y kapiling
Buong pusong pag aalay kapansin-pansin.
Dahil sa kaibigan lahat ay nabago
Ang masama'y bubuti, kamalia'y mawawasto
Kaligayahang dulot 'di mapapantayan
Hindi matatawaran, sa galing ng kalooban.
Magkaibigang tunay hindi mang-iiwan,
Anumang babala ng sigwa ng buhay
Ang pagsasama'y ingatan at alagaan,
Dahil ito'y di matutumbasan ng anumang kayamanan.
No comments:
Post a Comment