by: Ryan B. Biron (Computer Programming 1E)
Sa pagsibol ng araw huni ng ibon ating nababatingaw
Kagandahan ng paligid sa paggising ating natatanaw
Mga sariwang hangin nalasap noo'y nangibabaw
Sa ngayo'y kagandahan nito ay natutunaw
Ano ang nangyari sa paligid na nilikha?
Ngayo'y my mga problema sa'ting nakagigimbala
Noon ginhawa nito'y ating natatamasa
Nawawala sa ngayon dahil sa pagpapabaya.
Maging sa kagubatan o kabundukan ibon ay walang matirhan
Dati maraming isda nahuhuli sa kadagatan
Sa ngayo'y mga kemikal at lason ating nakakamtan
Sakit at kalungkutan ang nakukuha ng sangkatauhan
Ating kalikasan maging noon at sa ngayon
Ay biglang umiba na para bang kahapon
Dapat ibalik nakagisnan natin noon
Nang sa ganon bayan at buhay ay muling makabangon.
Dapat itama mga maling gawi
Ngiti ng inang kalikasan ay masisilayang muli
Pati ang mga turista ay mawiwili
Dahil sa kagandahan ay may mapupuri.
No comments:
Post a Comment