About Me

My photo
Tabaco City, Bicol, Philippines
MTCA Academy-Albay is an IT specialist in Medical Transcription NC II, Computer Hardware Servicing NC II and Computer Programming NC IV. Headed by muti-talented heads and staff, MTCA spearheads innovation in informations and communications technology by developing and training IT experts. Come and see what's in MTC Academy!

Saturday, November 26, 2011

ICT Express: Bagong Mukha ng mga in-Demand Course sa MTC Academy-Albay

     Opisyal nang ipinakilala ng MTC Academy-Albay ang bagong mukha ng mga IT courses na patok ngayon Ilan sa mga regular courses ay ang Medical Transcription na pwedeng pwede sa mga High School Graduates, Non-Medical Course Backgrounds, Allied Health Course Backgrounds, at Medical Course Backgrounds. Aabot sa 2 taon ang pagsasanay sa Medical Transcription for High School Graduates, samantalang, tatlo hanggand siyam na buwan lamang aabutin ang Medical Transcription for Medical, Allied Health at Non-Medical Course Background.
     Pwede ring mag-avail ng Finishing Course ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa Medical Transcription, sa pamamagitan ng Finishing Course for Medical Transcriptionists na maaring tapusin sa loob lang ng dalawa hanggang tatlong buwan depende sa kakayahan ng trainee.
     Ang Medical Transcription ay isa sa mga in-demand na trabaho sa IT-Outsourcing. Mula sa Estados Unidos, dinadownload ang mga voice files upang i-transcribe ng mga Medical Transcriptionists. Kailangan ang malawak na kaalaman sa Ingles at Medical Terms, Mabilis na pagta-type at di matatawarang disiplina upang magtagumpay sa trabahong ito.
     Madaling makahanap ng trabaho ang mga graduates sa programang ito dahil ito ay maaring gawin sa bahay, opisina , full time man o part time gamit lamang ang internet at computer.
     Available ang trainings para sa mga may Non-Medical, Medical at Allied Health Course Bakcground Lunes hanggang Byernes kada hapon at whole day naman pag sabado.
     Samantala, Inihahatid ng MTC Academy-Albay ang mas pinahitik na kaalaman sa Computer Programing NC IV. May dalawang klase ito—Short term kung saan aabot lang sa isa hanggang dalawang buwan ang pagsasanay, at  2 year-Computer Programming .
    
   Pwedeng mag-enroll sa short term programming training ang mga nagnanais ng enhancement trainings, samantalang inihahandog naman ang 2-year Computer Programming para sa lahat ng high school graduates.
     Mura lamang ang pagsasanay na ito kung saan, maari nang magenroll kahit P500 lang ang downpayment. Ginawang mas flexible at affordable ang tuition fee at siksik sa in-demand na programming languages ang training program gaya ng C++, Java, Visual Basic  at PHP.
     Kung nagdadalawang isip naman dahil medyo kapos, maaring mag-enroll sa short term course ng programming. Siniguro ng MTC Academy na patok at siksik sa training din ang mga subjects ng Computer Programming Short Term course.
     Kung kasanayang teknikal naman ang hanap, patok sayo ang Computer Hardware Servicing NC II (CHS). May 3 uri ang Computer Hardware Servicing--- one year, Compressed at two years.
     Inihahandog ng MTC Academy-Albay ang 1 year-Computer Hardware Servicing (CHS) NC II, para sa mga kabataang nakapagtapos sa High School ngunit may di sapat na kabuhayan. Sa kursong ito, maiksi ang training ngunit siniguro ng MTC Academy na in at practical ang mga subjects na nakapaloob sa nasabing kurso.
     Maaari din pagpilian ang mas pinaikling CHS Compressed program na aabutin lang ng 2-3 months. Mas mura ngunit intensive trainings ang design ng program na ito, kaya pwedeng pwede sa budget nyo.
     Samantala, upang mas maging updated at sigurado ang exposure ng mga graduates ng CHS, specially designed naman ang 2-year CHS na inaasahan na magbukas sa susunod na taon. Dito 1 taon ay ilalaan sa in-school intensive training, samantalang isang taon naman ang ilalaan sa mismong kompanya kung saan hahasain ang emotional, technical at mental skills ng mga estudyante.
     Layunin ng programang ito na mas pagbutihin ang programang technical ng lahat na graduates ng Computer Hardware Servicing NC II.
     Mas pinaganda naman ang Tutorial Courses. Specially designed ang lahat ng tutorial courses gaya ng Computer Tutorial for Kids, Basic and Advanced MS Office Application, Programming languages gaya ng HTML , Visual Basic, Networking, Basic and Advanced Java Programming at Adobe Photoshop.
 

     Maging si kap at kagawad, pwede na ring maging bihasa sa paggamit ng Computer sa pamamagitan ng Barangay IT. Layunin ng programang ito na matulungan madagdagan at mapabilis ang serbisyong pambarangay gamit ang computer.

     For 30 hrs. may free certificate ka na, handouts, one-is-to one ratio ang computers, personalized training, pwedeng-pwede magtraining sa eskwelahan man o sa inyong mga opisina o barangay.
     P500 lamang pwede ka nang maging IT Tech!

No comments: