About Me

My photo
Tabaco City, Bicol, Philippines
MTCA Academy-Albay is an IT specialist in Medical Transcription NC II, Computer Hardware Servicing NC II and Computer Programming NC IV. Headed by muti-talented heads and staff, MTCA spearheads innovation in informations and communications technology by developing and training IT experts. Come and see what's in MTC Academy!

Wednesday, October 13, 2010

Pamana Ating Pahalagahahan

by Ryan B. Biron (Comp. Prog 1E)

Sa baryong magasana, tayo'y iniluwal
Nang inang may malasakit at dangal,
Kapakanang masilayan ang kagandahang-asal,
Na kanyang hinahangad sa anak na minamahal.

Ano ang nangyari sa liwanag ng umaga?
Biglang dumilim sa dinaranas na problema
Sa kadahilanang bata sa ngayo'y walang disiplina
Natutunang pamana unti-unting nawawala

Hudyat ng pagkakakilabot ating maagaw
Masamang layunin ay siyang pumupukaw
Nagpapatunay sa ating malinaw na malinaw
Na  katapatan, katalinuhang gamitin at maligaw

Sa masayang pook na ating kinalakihan
Hahanap-hanapin babalik-balikan
Nalulungkot-masasayang karanasan
Hindi mawawaglit sa ating isipan.

No comments: