About Me

My photo
Tabaco City, Bicol, Philippines
MTCA Academy-Albay is an IT specialist in Medical Transcription NC II, Computer Hardware Servicing NC II and Computer Programming NC IV. Headed by muti-talented heads and staff, MTCA spearheads innovation in informations and communications technology by developing and training IT experts. Come and see what's in MTC Academy!

Saturday, May 19, 2012

Paalam Munti kong Kaibigan ni: Ryan B. Biron

Sa kolehiyo nang tayo'y nagkita
'Di nagpansinan, nagkahiyaan pa nga
Sa hindi inaasahan ako'y nagpakilala
Dahil alam ko ika'y seryoso't mahiyain pa

Hindi nagkalaunan tayo'y nagasasama
kakilala ko noon itinuring ko'y Espesyal na
Dahil sa taglay na pagkatao niya
Kaya't puso't ugali'ysa akin sapat na

Sa agos ng buhay siya'y kasabay
Maging Problema siya pa'rin ang karamay
Sa Personal at Pinansyal siya'ng kaagapay
Kaya turing ko sa kanya "KAIBIGAN KONG TUNAY"

Labis ang pasasalamat na biniyayaan ako
Ng katulad niya na tunay at totoo
Walang naitatago kahit anong sekreto
Basta't kasama siya, ako'y nakukumpleto

Sa loob ng klase kami'y nagtutulungan
Sa Asignaturang Ingles, Matematika at maging Kumpyuter man
Tanong ko sa kanya, problema ito paano masusulusyunan
Basta nandito ako Muntng Kaibigan ika'y tutulungan

Marami-rami na rin ang aming napagdaanan
Masasaya't malulungkot na mga kwentuhan
Wagas na halakhak ang aming nasilaya
'Pag kami magakasama parng walanag hangganan

Sana araw-araw ay palaging ganito
Kahit anong hirap siya'y nakasalo
Hindi balakid sa amin ang estado
Laging naka-agapay ang minamahal na si Kristo

Pagkatapos ng klase magkasama na naman kami
Diretso sa simbahan pagpapasalamt sa binabahagi
Na mga biyaya at siya'y aking pinupuri
Na kahit kailan man ay hindi ako nagsisisi

Napagdaanan din namin ang hindi pagakakaunawaan 
Nagtatalo pa sa aming kagustuhan
Kahit na ano ito'y ipinaglalaban
Kaya sa Bandang huli kami'y nagkapikonan

Hindi alam ang gagawin dahil sa pagkabigla
Sa kadahilanang ito ako'y napatulala
Sa inisip na nangyari, mata ko'y lumuha
"KAIBIGAN KO", sana'y mapatawad mo pa

Nang tayo'y nagkita, nahiya tuloy ako
Masamang asal na ipinakita ko saiyo
Pero naiintindihan mo pagkatao ko
Ako'y nagpapasalamat tinanggap mo ng buong-buo

Hind ako nagsisisi na ika'y nakilala
Nagpapasalamat pa nga dahil isa kang biyaya
Na ipinagkaloob nang may lumikha
Na hindi matututmbasan na kahit anong pera

Dumating sa punto na siya'y may iniibig
Pagkakaibigan namin ay biglang kinabig
Dahil sa nangyari, mukhang iniwan ako sa daigdig
Sa ipinapakita mo ako'y nananalig

Aking kaibigan ako'y nag-iisa at anong nangyari saiyo?
Tila ba'y nawala at ako'y iniwan mo
ng dahil sa pag-ibig ikaw ay nagbago
Kaya't humihiling na sana'y maibalik ang samahang ikaw at ako

Lumipas ang panahon kayo'y nagkahiwalay
Ikaw ay nag-iisa at walang karamay 
Naalala ko na dati-rati'y tayo'y nagdadamayan
Mga problema natin ay kaybilis masolusyunan

Panibagong pagsubok na naman nakaabang ngayon araw
Na noo'y nagkahiwalay hindi ko na natanaw
Ang ngiti sa mukha mo'y muling nangibabaw
Na sa aki'y pumupukaw na hindi maligaw

May mga tao na sadyang mapanghusga
Mga makitid ang utak iyan ang alam nila 
Dahil sa samahan namin ay ibang-iba na
"Kaibigan" ko turing ko'y "KAPATID" na

Hindi matututmbasang pagsasamahan namin
Nakatatak na sa isipan maging sa damdamin
Na kahit sino man ay hindi kayang sirain
Ang pagkakaibigan na totoo at tapat din

Pangako, kaibigan ko ako'y hindi magbabago
Kahit ika'y  malayo ika'y nasa isip at puso
Mga napagdaanan natin kailanman 'di maglalaho
Dahil ikaw lang ang kumumpleto sa buhay ko

Paalam na sa iyo "MUNTI KONG KAIBIGAN"
Na ikaw at ako magkikita kailanman
Sana huwag makalimutan ang aking pangalan
Na bumuo sa buhay mo magpahanggang kamatayan.

No comments: