About Me

My photo
Tabaco City, Bicol, Philippines
MTCA Academy-Albay is an IT specialist in Medical Transcription NC II, Computer Hardware Servicing NC II and Computer Programming NC IV. Headed by muti-talented heads and staff, MTCA spearheads innovation in informations and communications technology by developing and training IT experts. Come and see what's in MTC Academy!

Wednesday, May 16, 2012

"Mga Memorableng Araw ko sa MTC"

     Pagkatapos ng graduation sa sekondarya, panibagong pagsubok na naman ang aking tatahakin at iyan ay ang buhay KOLEHIYO. Unang-unang tumatak sa isipan ko ay kung makakapag-aral pa ba ako, kaya tuloy hindi nako naghahangad na makapag-aral pa. Bago ko nalaman na may oportunidad para sa mga hikahos na kagaya ko ay may kumausap sa akin--kung sino raw gustong mag-aral sa MTC Academy-Albay dahil may iskolarsyip itong ipagkakaloob. Agad naman akong nagbakasakali.

     Mayo 2010-- Umaga pa lamang ay handa na ako at hindi nagdalawang-isip pa na magpasa ng requirements. 85 pataas ang kabuuang gradong kinakailangan upang makapasok bilang iskolar. Buti na lang at umabot ako. Tatawagan na lang daw ako, sa araw ng eksaminasyon at interview. 'Di nagtagal ay tinawagan ako, saka ko nalaman na madami rin pala ang nagbabasakali na maging iskolar. Pero sampu lang kukunin. Nagkaroon ng eksaminasyon sa asignaturang Matematika, Ingles at Logic. Sa araw ding iyon ay nakilala ko sina Jayson Buban at Remulos Garcia na hanggan ngayon ay naging matalik na kaibigan ko. Mahirap ang eksam, may nakalaan na oras din ito at tatlo-talo ang pumapasok sa Lecture Room 1. Ang layo ng agwat sa bawat isa ng mga aplikante kung saan hindi maaring magkopyahan at magtanungan. Pagkatapos nito nagkaroon ng interview, kaharap mismo ang kagalang-galang na si Engr. Rowen B. Benig, administrator ng MTC Academy-Albay, nakaka-kaba at lahat ay tinatanong kung bakit gusto namin makapasok bilang Iskolar. Inalam din ang "background" ng pamilya. Hindi naman sa pagmamayabang laking pasalamat ko sa Poong Maykapal at sa bumubuo na MTC Academy-Albay na isa ako sa pumasa sa nasabing pagsusulit.

     Pagsapit ng Hunyo 2010, unang araw ng pag-aaral ko bilang isang MTCAer, kabado dahil wala akong alam sa kompyuter, pero excited  din ako dahil makikita ko at makikilala ang mga bago kong kamag-aral pati ang mga instructor namin. Programming 1-E ang kurso at seksyon na kinabilangan ko. Kinilala kaming seksyon na maiingay at makukulit dahil lahat na raw ay nandoon na sa amin pero masaya kami. Tinanong kami ng instruktor naming si Sir Allan Paul Sande, kung ano talaga ang aming mga hilig, sabay taas ako ng kamay, at sinabi ko na gusto kong maging isang "Journalist." "LOVE YOUR COURSE", ika nga ni Sir Allan dahil mismo din siya ay ganoon ang pinagdaanan.Maiibigin daw namin balang araw ang pagiging Programmer.

      Nagkaroon kami ng Asignaturang  Typing, Basic MS Office,  Advance MS Office, Computer Assembly, Math, English, Soft Skills at Physical Education.
     
     May mag pagsusulit kami na tinatawag na Prelim, Midterm at Final. Iyan ang pinaka-kabadong araw ko dahil oras ito para mag-aral sa lahat na asignatura. May kanya-kanyang eskedyul ito. Nasabi ko sa sarili ko na dapat ay pag-igihan ko ito at mapasahan ang mga eksamin dahil baka mawala ang regalo na biyaya ng MTC sa akin.
     
     Pagsapit ng Septyembre 2010, ay naganap ang Intramurals sa MTC Academy, sabay pinagdaraos ang Anibersaryo nito, kung kaya't may mga palaro kung saan lahat ng estyudante ay dumadalo at nagsasaya. Tatlong araw ang paggunita nito, kung saan nagkaroon ng parada, palaro at pagkilala sa magiging Mr. and Ms. MTCA. Ginanap ito sa Villa Acosta, Sto. Domingo. Pagkatapos ng Event, lahat ay masayang naliligo sa pool, kasama ang aming mga kabarkada, instruktor at mga kamag-aral.
     
     Marso 2011 ay naganap ang "Power Point Presentation" na pinamumunuan ni Sir Allan Paul Sande. Ito ang Finals namin sa kanya. Lahat ng Estyudante ay kina-kailangan na magsagawa nito para makapasa at mapirmahan ang clearance. Sa Buwan ding ito lahat ay mukhang "busy." Para naman sa may mga kulang sa nasabing asignatura oras din ito ng pagpapapirma ng clearance at higit sa lahat oras na ng bakasyon. Nakabilang din ako sa mga "USHERS." Masaya ako dahil kahit papano ay nakita at naramdaman ko ang labis na kagalakan nang nagsipagtapos at excited na rin ako.
    
     Hunyo 2011, araw na naman ng pasukan--"Back to Normal,"  "First Come, First Serve" ang bagong patakaran ng eskwela sa pagpapa-enroll. Ayaw sana naming magkakaeskwela na, pero di maiwasan na may mga baguhan kaming kamag-aral. Sa una ay nahihiapan kaming makuha ang loob nila, hanggang sa magkakakilala na kami ng lubusan.
    
     Bumawas na ang aming asignatura pero para sakin ay sobrang hirap ang pumalit na mga asignatura gaya ng HTML, PHP, JAVA, ADOBE, ADVANCE JAVA, PHYSICS at Special Project.
    
     Kaya grabe ang pagod namin, minsan, hindi ko maintindihan ang mga codes kaya pinag-aaralan ko na lang hanggan sa maunawan ko.  "Walang susuko" ang laging tumatatak sa isip ko.
    
     Ganon pa din, ang unang taon sa kolehiyo meron ulit kaming pagsususlit ang prelim, midterm at Finals na dapat mapsahan ng mga mag-aaral.

     Sumapit ang Septyembre 2011, anibersaryo na naman. Nagkaroon ng pagsasaya ang lahat ng estyudante, instruktor at staff. Ginanap iyon sa bahay ni Atty. Vicente Benig. Para sa akin, mas naging memorable dahil nakapasok ako mismo sa loob ng bahay ni Attorney. Bukod pa dito ay natalo kami sa Quiz Bee. Gaya ng dati, tatlong araw  din ito. May mga palaro at lahat ay sumali. Ang mga nanalo ay may mga premyong natanggap.
    
     Ngayong Marso 2012, tila ang bilis ng panahon, dati-rati'y pasukan pa lang. Ngayon ga-graduate na ako, pero madaming pagsubok ang pinagdaanan ko. Mahigit isang taon na din naming ginagawa ang thesis na pinamagatang "Computerized Out-Patients' Record System for ADCMH" at sinabayan pa ng PHP. Naging mahirap talaga iyon para sa akin pero konting tiyaga lang. Dito ay natuto kaming maging "Independent." Kahit nagkakaroon ng tampuhan at awayan dahilan sa hindi pagkakasundo sa iilang mga bagay sa nasabing proyekto. Mas nakilala namin ang isa't-isa at alam din nila pag may problema ako. Kulang ang araw namin kapag hindi kami nagsasama-sama ng grupo. Naging "tunay kong barkada" o "BEST FRIEND" ko si Jayson Buban, kung kaya naman ay "PAREKOY" ang nakasanayan naming tawagan. Mas nakilala ko siya ng lubusan. Nandiyan siya kapag may problema ako sa pinansyal o maging sa personal na buhay. Bahagi ng pinagdaanan ko ang hatian ng ulam.
Hindi ko malilimutan ang salitang "mapa Melgar kita, mabakal kita ki tinapay, diretso malugaw." Lahat kami ay masayang kumakain doon.
    
    Hindi man ako nakakuha ng parangal, ay nakapagtapos ako. Masaya ako dahil sa aking  pamilya, kaibigan, at lalung-lao na sa mga tumulong sakin na magkaroon ng kaalaman. Ilan sa kanila ay ang mga instruktor na sina Ms. Melanie Peña, Ms. Eliza Padilla-Bongalon, Ms. Olivia Bernardez, Ms. Shiela Mores-Baytec, Ms. Shonalie Derit,  Mr. Allan Paul Sande, Mr. Randy Rolda, Mr. Eugene Bermejo, Mr. Julio Marbella, Mr. Ferdinand Cardiño, Mr. Maverick Villar at Mr. Jayben Carretero.

     Sa ginagalangan na Chairman ng MTC Academy-Albay na si Atty. Vicente V. Benig at Administrator na si Engr. Rowen B. Benig, labis-labis ang pasasalamat ko at utang ko ang kinabukasan ko ko sa inyo. Maraming salamat po at itong sulat ko ang "Memorableng" maiiwan ko. "PROUD" ako na naging bahagi ako ng MTC ACADEMY-ALBAY.

-Ryan B. Biron, Programming '12

No comments: