About Me

My photo
Tabaco City, Bicol, Philippines
MTCA Academy-Albay is an IT specialist in Medical Transcription NC II, Computer Hardware Servicing NC II and Computer Programming NC IV. Headed by muti-talented heads and staff, MTCA spearheads innovation in informations and communications technology by developing and training IT experts. Come and see what's in MTC Academy!

Tuesday, October 19, 2010

Ang Pag-aaral

by: Mary Joy Gucela (Medical Transcription High School Graduate, Batch 5)


Ang ating pag-aaral ay huwag pababayaan
Ito ang daan sa magandang kinabukasan
Ito ang tunay na ating kailangan
Upang malabanan ang ating kahirapan.

Maraming mga tiisin na dapat tawirin
Upang makamit ang ating mga mithiin
Kaya't tayo'y laging manalangin
Upang makamit ang ating mga ninanais.

Sa mga masasamang barkada
Ay huwag tayong magpaimpluwensya
Mabuting mag-ingat tayo sa kanila
Dahil gulo lamang ang kanilang dala.

Gawing inspirasyon ang ating mga magulang
Sapagkat sa atin hindi sila nagkukulang
Dahil ang tangi nilang kaligayahan
Magkaroon tayo ng magandang kinabukasan.

No comments: